DepEd Nueva Ecija
2 Indie Films ng ESIHAS, pasok sa Cinema Rehiyon
(by Pablito M. Gaggarin, Jr.  2/5/2012)

Kaalinsabay sa pagdiriwang ng Pambansang Sining ng National Commission for Culture and the Arts (NCCA), naimbitahan ang ESIHAS Digital Festival organization na magpamalas ng dalawa nitong nagwaging indie film sa Cinema Rehiyon sa Bacolod City mula Pebrero 8-11.

Ang Cinema Rehiyon ay pambansang pagtitipon ng mga alagad ng sining sa paggawa ng maikli at malayang pelikulang Pilipino na itinataguyod ang kultura, kaugalian at kagalingan ng mga nagsisimulang director sa mga probinsya o rehiyon.

Nakatakdang maipalabas sa Brgy. Villamonte Gym, Bacolod City sa Pebrero 9 ang “Maulap na Kalangitan na may Kalat Kalat na Pag-ulan” ng Icona Films at “Subkal” ng AMA Computer College sa Cinema 6 ng Robinsons Bacolod sa Pebrero 11.

Ang delegasyon ng Nueva Ecija ay pinangungunahan ni Dr. Ericson S. Sabacan, EPS sa ICT at Founder ng ESIHAS na nakatakdang ipaliwanag at ipakilala ang ESIHAS sa isang pambansang pagtitipon ng mga nagmamahal sa sining ng paggawa ng pelikula.

Tiyak na marami na namang kaalaman at kasanayan ang makukuhang karanasan ng mga organizers ng ESIHAS para sa pagsisimula ng ika-7 na taon nito.



See more News
Sticky Footer Navbar Template for Bootstrap

CONTACT INFORMATION
DepEd Nueva Ecija
Old Capitol Compound, Burgos Avenue,
Cabanatuan City, Nueva Ecija 3100
Telephone: (044) 463-1707
Email: nueva.ecija@deped.gov.ph